Archive for May, 2006

Everest

Friday, May 19th, 2006

Everest20flyby_1

Mount Everest ang pinakamataas na bundok sa buong mundo, at kamakailan lang ilang pinoy ang sumubok akyatin ito at sila ay nagtagumpay.

Narating nila ang tuktok ng Mount Everest, dala ang bandila natin, nagbibigay patunay na kinaya ang pinoy ang ganoon kahirap na pagsubok.

Lahat ng istasyon ng tv at radyo ay nagbabalita tungkol sa mga pilipinong ito. Kanya-kanyang kuwento hinggil sa "hirap" na dinanas ng mga ito sa pag-akyat sa "tuktuok ng mundo".

Noong una ay medyo natutuwa pa akong marinig ang mga kuwento tungkol sa pag-akyat, pero unti-unti na akong nasawa, at napikon dahil sa sobrang paulit-ulit nito na nakakatulig na.

Nagtatalo pa sila kung sino ang tunay na naunang umakyat. At ang hindi ko matanggap, at nagpainit lalo ng ulo ko ay nang marinig ko ang paboritong tag line ni Leo Oracion na " Nagawa ko na ang imposible".

Hindi ko alam kung dahil sa tarik ng  bundok na iyon kaya parang naalog ata ang utak ni Leo at parang ang "imposible" sa kanya ay hindi ganoon ka-imposible para sa paniniwala ko. Siguro naman ay mas maraming karanasan sa akin ang taong iyon kung pagbabasehan ang edad at mga gawain sa buhay, pero hindi ko talaga maubos maisip kung anong "imposible" ang nagawa niya.

1957 pa unang naakyat ang Mount Everest, ang pagkatapos noon ay napakarami nang nagsipagsunuran. 2006 naakyat ni Leo ang bundok na iyon, pero "IMPOSIBLE" daw ang kanyang nagawa.

Pero ano ba talaga ang  dahilan ng pag-akyat na ito? Bakit parang gusto yatang ipahayag sa buong mundo na nakaakyat na ang pilipino sa Mount Everest? Bakit natutulig na ang mga tao sa balitang ito, na hindi ko naman makita ang mapapala ng mga piliino sa pangyayaring iyon?

Hindi kaya babayaran na ng mga intsik ang utang natin sa World Bank kapag naakyat ng pilipino ang pinakamataas na bundok sa buong mundo? O baka naman lilinisin ng hapon ang lahat ng polusyon at dumi ng Pilipinas kapag nakatapak ang pilipino sa tuktok ng bundok na yun? Sana may pustahan na lang na naganap na makikinabang ang lahat dahil sa pag-akyat na yun nila sa Everest, na akma sa balita at karangalan na ibinibigay sa kanila.

Kitang-kita at halatang-halata na, pero bakit wala paring kumikilos hinggil dito? Kailangang-kailangan na ng kawawang bansa natin ang mga bayani sa mga panahong ito. Desperado na tayo dahil wala na tayong pamantayan ng mga bayani ngayon. Hindi natin sila makita sa gobyerno o kung saan man, kaya ang mga nagiging bayani natin sa panahong ito ay mga boksingero, umaakyat ng bundok, artista, singer at kung sino-sino pang mga taong nakakakuha ng pagkakataong maipahayag ng malawakan ang kanilang mga adhikain, na hindi naman ganoon karangal. At ang mga taong walang pagkakataong makapagyabang nang kanilang mga nagawa, kahit gaano ito kahanga-hanga ay walang saysay sa mga taong walang alam.

Attention:

Thursday, May 18th, 2006

Maglagay din kunyari kau ng comment niyo sa mga binabasa niyo dito. Gusto niyo kasi personal na sinasabi sa akin e. =)

Si Nena

Thursday, May 18th, 2006

Ano ang ibig sabihin ng luho? Ito ba ay ang pagmamay-ari ng mga bagay na labis sa ating mga pangangailangan? Ano naman ang ibig sabihin ng pangangailangan? Kung susundin natin si Ginoong Maslow, pangangailangan pa rin talaga ang "luho". Maaaring hindi ito pangunahing pangangailangan, ngunit kailangan natin ang mga "luho" para matugunan ang iba pa nating pangangailangan.

Kung ang isang taong nagugutom ay kailangang kumain, ibang gutom naman ang nararamdaman ng taong kumakain ng isang platitong caviar na hindi naman talaga niya ikakabusog.

Ganun din ang pangangailangan ng taong walang tsinelas na bumili ng Spartan sa Divisoria, pero sa pagbili ng tsinelas na kasing-mahal ng isang pares na sapatos, ibang pangangailangan ang natutugunan nito.

Maaaring iniisip natin ang kaligtasan. Mas ligtas nga naman siguro ang mamahaling tsinelas na ginawa talaga para sa pag-akyat ng bundok kesa sa murang tsinelas nga na ikapapahamak mo naman.

HIndi lamang sa pag-akyat ng bundok, pupuwede ring sa pag-akyat sa estado ng buhay.

Masakit mang tanggapin, pero halos lahat tayo ay nabibiktima ng pangangailangang hindi naman talaga kailangan. Tamad lang talaga ang marami sa atin kaya hindi natin hinahanap ang tunay na pangangailangan.

Naalala ko tuloy ang kaibigan ko sa bukid na si Nena.Kelan lamang ay nakasalubong ko siya sa isang mall. Ibang-iba na siya sa Nenang kilala ko. Ang dating amoy dayami, ngayon ay amoy Tommy Girl na. Ang noo’y mukang parang binilot na tutule, gawang Calayan na. Ang bakyang kahoy ay pinaltan na ng havaianas. At ang dating Nenang kilala ko na patingin-tingin lang sa araw e alam na niya ang oras, ngayon ay naka- Technmarine na!

Pero nang kausapin ko na ang "maganda" nang si Nena, tila bumabalik ang dating Nenang kakilala ko na tumatae lamang sa likod ng sirang yero nung bata pa kami.

Nakakuha ng pekeng pag-unlad ang kaibigan kong si Nena. Gulpi de gulat lang pala ang bagong anyo nya, pero dati lang ang kanyang laman. Hindi naman sa minamaliit ko si Nena, pero sana ginamit niya na lang sa mas maayos na paraan ang imbes na ipinambili niya ng mga bagay na makakapagpataas lamang ng pekeng estado niya sa buhay.

Maraming Nena sa buhay natin. Maaaring pagtingin mo sa salamin ay makilala mo siya, hindi mo na kailangang sumilip sa bintana.

Aral itong lahat para sa atin. Mas marami ang sa atin ang nalalason ng kulturang kinakalimutan ang tunay na ibig sabihin ng kadakilaan at nalulunod sa mababaw na tubig ng kahangalan.

tama ka na

Tuesday, May 16th, 2006

ang tamang kumbinasyon ng mainit at malamig na tubig, maligamgam at hawak mo ang aking mga mata at damdaming bigla na lamang nagbabago sa sandaling magpalit ng temperatura ang mundo. HIndi mo nanaising marinig ang aking malalamig na halakhak, gayundin ang pagtakas mo sa nag-aapoy kong mga ngiti. Nagnanais din akong magbago, nangangarap na mabuhay ng normal, subalit ang hamon ng paligid ay unti-unting humihiling ng malahayop na pangangailangan. Naniniwala ako na ang mga taong takot mamatay ay walang karapatang mabuhay, nainiwala rin akong mas kilala ko ang sarili ko at walang sinumang makakapagsabi sa akin kung ano talaga ako. Naniniwala rin akong may mga pagkakataong kinakailangan ng digmaan para makamit ang kapayapaan. AT kinakailangan ding mamatay para maintindihan ang tunay na sarap ng buhay.

Ako nga pala ay isang mandirigmang dangal ng lahi, nahulog, namatay, inilibing, nabuhay na magmuli ngunit hindi na katulad ng dating mandirigmang may dalang tabak. Ako ay isang mandirigma sa aking sariling mundo. Sa mundo ng kadilimang pinipilit abutin ang tunay na liwanag. Ako ay naglalakad sa kawalan na ang tanging dala-dalahan ay ang aking tiwala na bukas, makakamtan ko din ang liwanag.

Ako ay isang mangingisda, simpleng mangingisda lamang, ngunit bukas, hindi lamang isda ang aking huhulihin, at hindi lang isda ang mabibigyan ko ng pakinabang. Ako ay ako, naniniwalang ang araw ay sumisikat sa Silangan, at sa ayaw at sa gusto natin, sa Kanluran ito lulubog. Ngunit hindi sa katapusan ng araw magwawakas ang ating mga pangarap, hudyat lamang ito ng bagong simula.

pirates, maps, caramels and red wine

Saturday, May 6th, 2006

it’s too early to tell. hahaha.  For an insomniac like me, ito na ang bagong trip ko ngayon. Magsulat sa blogpage ko.  Alis kami bukas. punta kami sa Camiguin. Wow… Camiguin? sa totoo lang hindi ko alam kung tlagang pupunta ako dun, pero parang gusto kong pumunta. Hindi ko na nakikita ang sarili ko after graduation na makakapunta pa ako sa parteng yun ng Pilipinas.  Kelangan ko talaga siguro ng bakasyon… to refresh… to re-claim the glory of the cold fisher of the south. I want to commune with Mother, hahaha… After 72 hours of no solid intake, i am now prepared for the journey. Parang gusto ko na ngayon maniwala sa happy endings. At dahil charged ako ng alcohol na hindi ko naman dapat ikalasing, pero dahil sa dami nang tinikman ko e nahihilo na ako, naisipan ko na lang magsulat. Dapat kasi, nagbabasa na lang ako ng libro ngayon, pero parang wala akong gana (kaya yung mga nasa waiting list ng Janusian Library, pakihintay na lang po matapos ko yung mga librong gusto nyo hiramin). First, what’s wth the title? pirates? hindi ko alam, feel ko lang ilagay. maps, preparation ko siguro para bukas, tiningnan ko kasi sa mapa kung saan ako pupunta, nasa dulo pala ng Pilipinas yun. Caramels and red wine? YUn yung dalawang napaka-espesyal na babae sa buhay ko. red wine, a bottle, to help me sleep, like mothers, more than willing to sing for their babies. And that caramel, sweet and tangy, the very personality of my long lost love. Love may be above all,but it is not all. Hinahanap ko, hanggang ngayon ang balanse ng buhay. Ang pait at tamis ng bawat alak at tsokolate. Ang bawat sarap at hirap ng buhay. Pasensya na sa mga masasaktan at masasagasaan, pero nasa harap ko na ngayon ang toro, pero kailangan ko siyang hulihin sa pamamagitan ng pana. Alam ng mahal ko yan.(Lasing mode, edit ko next week)

try me

Monday, May 1st, 2006

Ca696vez Surrender is not the answer, but death once more, for the windy treasure underneath the sun, and the breath of the Almighty, to the freshness of life. People who are afraid to die are not worthy to live!!! FOR THE FREEDOM OF OUR SOUL!!!