walang tinta
Saturday, April 29th, 2006SInubukan kong magsulat sa diary ko pero sa kabutihang palad, wala akong makitang bolpen na may tinta. At dahil hindi rin ako nakapagsulat sa diary ko, binuklat ko na lang… astig nga e, parang nanibago ako. Naramdaman ko na masyado ko na palang nailayo ang buhay ko sa sarili ko. Napansin ko rin na parang aral sa akin sa kasalukuyan ang mga naisulat ko na dun. Parang tanga, na nagkamali na, at natuto, pero nagkamali pa rin.
Madaming nakasulat dun e. Una na dun yung kwento na may hinalikan ako sa sinehan at na-guilty ako dahil na-guilty siya, dahil may bf siya. Nandun din yung kwento tungkol sa pangungutang ko, na hindi naman ako nakautang, para mabili yung tarot card ko. Nandun din yung pinag-eksperimentuhan ko ang sarili ko na "ma-inlove", at na-inlove nga ako ng ilang saglit. Andun din yung ibang tao na ang pinag-eksperimentuhan kong ma-inlove sa akin. Nandun din yung na-inlove talaga ako dahil maganda yung pwesto ng kwentuhan namin, sa ilalim ng buwan. Ang pinakamadrama e yung na-inlove ako at talagang in-love na in-love ako sa isang tao. basta yun na yun.
Bakit nga ba puro pag-ibig ang nasa utak ko ngayon? Hindi ko alam, siguro napasok lang ng hangin ang utak ko.