Sino Ang Humahalik Sa’yo?
Thursday, October 13th, 2005
Sino ang hahalik sa’yo? sa panahong kailangan mo?
Kay hirap isipin, lahat ay nalilito?
Sapagkat tao’y alipin ng mundo
Binubulag ng sariling mata
Binibingi ng sariling tenga
Nilalasaon ng Sariling sistema
Sino ang hahalik sa’yo? sa panahong kailangan mong ipako?
Ipako upang ipagpatuloy ang landas mo
Ipako na masakit ma’y mainam din
Mga kaibigang nabubulag na makislap na pilak?
O kaibigang nais ipatotoo mo ang nakatadhana?
Sino ang magdadala sa’yo sa masasarap na bagay?
Kinang ng mundo’y kasamang pagnanasaan?
Sino ang magdadala sa iyo ng pait?
Masama man sa panlasa’y masustansya?
Sa panahong pinaputi ng mundo ang itim
At sa pagtanda’y magiging puti muli
Sapagkat tao’y kinasangkapan ng masamang dila
At pusong mapagdakila!