Ito ang Buhay

Ang buhay ay hindi isang tuwid at tuloy tuloy na daan

Kadalasan, liko-liko, sanga-sanga, lubak-lubak

Ang buhay ay hindi dagat na tahimik

Kadalasan, may bagyo, may unos

Ngunit sa bawat lubak at unos sa daan at dagat

Tayo ay natututo,

Na sa susunod nating pagdadaanan, ang mga ganitong suliranin ay madali na para sa atin

Ang buhay ay hindi laro, hindi rin labanan

Hindi pagkatalo o tagumpay

Hindi rin tungkol sa kamatayan

Ang buhay ay ang halaga ng ating sarili

Ang lakas na ibinubuhos natin sa ating mga nais

Ang tatag na itinatayo natin sa mga pagsubok

At ang paraan natin upang mapatunayan ang ating halaga.

Ang buhay ay hindi matamis, hindi rin mapait

Hindi halakhak at pag-iyak

Ang buhay ay ang pagtuos ng ating malay ng ating pandama.

May halakhak sa bawat luha, may luha sa bawat halakhak,

Tinuturuan tayo ng daigdig sa paraan ng kabaligtaran

Sakit upang malasap ang tunay na sarap

Lungkot upang maranasan ang tunay na saya

Gutom para sa pagkain

Uhaw para sa inumin.

At ang kadakilaan ng Kapangyarihang nagpapakilos sa atin.

Ngunit ang ating buhay ay mayroon lamang nalalabing oras

At oras din para sa lahat ng bagay

At tamang oras para sa tamang pagkakataon

At oras para sa ating pagkakamali

At oras para tayo ay matuto

At oras para sa ating makasaysayang wakas.

Kaya ang ibon ay ma y dalawang pakpak, upang makalipad.

Tinuturuan tayo ng daigdig sa paraan ng kabaligtaran, upang tayo ay matuto.

One Response to “Ito ang Buhay”

  1. Reymund Says:

    pano mo ‘to ginawa?

Leave a Reply